Thursday, May 19, 2011

Break Time: The Four Honest People

I have decided that from now on, I'm going to post a Taglish post ( I mean Tagalog-English) every after three posts in this blog. Why? It's simply because I just miss writing Filipino words in my blog like my first posts. One even is making it on top of my popular posts and it's consistent on the list of popular posts. I don't know but maybe Kuya Kim Atienza is really a popular searched topic on the web especially for Pinoys.

I'm going to call all Taglish posts Break Time and that means I'm having a break from all the English talks here. I get tired sometimes and my brain just go blank sometimes. :) So for my first topic for breaktime, I'm going to talk about The Four Honest People.

Photo Link







Bakit ko nga ba nasabi na Four honest people? It's just how I have summarized my observations. Alam naman nating lahat na makasalanan ang lahat at bawat isa sa atin ay nakapagsinungaling na. Ito yata ang pinakamadalas ang napakadaling kasalanan na nagagawa nang tao. Pero sa ating buhay, meron talagang mga panahon at pagkakataon na nagiging HONEST tayo. When? This is what this post is all about. Sino-sino ang mga taong ito?

Una, ang mga taong LASING. Proven ko na 'to. We always see certaing scenes in movies that when a guy or a girl gets drunk, they tend to spill all secrets and lies. Well, that is really true. I've witnessed it so many times sa tindahan ni mama. I don't know how do alcohols do it but everytime na naiintoxicate ang tao, the usual resulst is that they babble everything. Wala silang itatago. They will spill anything na nasa utak nila. Secrets and truth are revealed. True story.

Pangalawa, ang mga BATA. We all know na totoo 'to. Children are always honest and even if they lie sometimes, we easily detect ang kasinungalingan because of their actions, their eyes and their words. They are the worst liars. Bakit? Because they are innocent. They have pure heart and usually, they don't really know what they are doing, they just babble anything. They even exaggerate some times. Minsan nga, hindi na nila alam kung nagsisinungaling na nga ba sila o nagsasabi nang totoo. P.S. I'm talking about children ha, young kids and not just the high graders na marunong nang maglaro nang chess. hmmpp...

Pangatlo, ang mga tulog na nagsasalita/ DREAMERS/ nagdedeliryo. Siguro naman narinig niyo nang nagsalita ang mga taong tulog. Iyon bang mga nanaginip tsaka iyong mga taong may masakit na malubaha tapos nagdedeliryo na. Madalas, marami silang sinasabi. Marami silang nabubulgar na mga bagay na dapat sana ay nakatago. Mga lihim. Mga kasinungalingan. Even I have experienced it. Nabuking nga ako dati nang parents ko na may inaway akong suitor kasi nakatulog ako sa sala tapos bigla na lang daw akong nagsalita. During a regional science camp back in high school, nalaman ko ang sekreto nang kaibigan ko kasi nagsasalita siya nang natutulog na kami. Nagising nga ako kasi may kasama pa siyang mga actions eh ako ang katabi niya. True story.

Lastly, ang pang-apat ay ang mga PLAY SAFE na tao. They don't lie. Totoo. Hindi nga sila nagsisinungaling kasi wala silang sinasabi. Wala silang kailangang itago. Hindi sila magsasalita kung hindi sila tatanungin. Their principle is this. I didn't lie and I didn't keep a secret. I know everything but didn't talk because you didn't asked. Pwede ring ganito. I'm not a liar. I just don't tell everything. Di ba? Tama nga naman, Masasabi bang nagsisinungaling ang taong ganon? 

1 comment:

  1. Sabi sa akin nung dati kong teacher, wag na wag daw ako magsasalita pag inaantok ako. Dahil baka masabi ko daw ang totoo. Hahaha!

    ReplyDelete