Monday, February 6, 2012

Patay na Pangarap (Dead Dreams)

It's kind of strange that I accidentally found ANOTHER piece that I wrote when I was still in high school. LIFE IS LIKE A ROSE was written when I was in my sophomore years. Two years later, I was 15 and in my senior year and was part of our school paper organization "The Pioneer", I was one of the news contributors and the feature writer who wrote Filipino feature articles.  This piece just actually came out of nowhere after hearing news on TV. The moment the news ended, I was already writing as if words just kept on popping out of my head. Anyways, hope my Filipino readers appreciate this piece written by the 15 year old me.


This post is in Filipino so I would like to extend my apology for some of my readers who can't understand it. Feel free to use Google for translation... :D You can also read it in Definitely Filipino. It's my very first post there.

Punit-punit na Pangarap

Napakaingay ng mainit na lansangan...abala ang lahat  sa kanya-kanyang pagpapatakbo ng buhay...negosyo. May ngumingiti, tumatawa, umiiyak na mga bata, may mga tulala at mga paslit na naglalaro lang at walang kamuwang-muwang habang ang mga matatandang ale at mama na nasa malapit lang ay panay ang sigawan at murahan na para bang wala nang bukas.
 
Ilang segundo lang....     BOOOOOOOOOOOOOMMM..............................
 
 
Malakas. Napakalakas, nakakabingi at nakakabulahaw na pagsabog ang bumalot sa dati nang maingay na paligid. Bigla may mga nakakapanindig-balahibong mga sigaw, iyak, yabag at nakakapangilabot na panaghoy at hinagpis kasabay nang pagsabog na unti-unting naglaho sa pandinig. At ang dating makulay at masiglang paligid? Nasaan na? Wala na, naglaho't napalitan ng kay baho at masangsang na amoy, nangingitim na usok, nawasak na mga establisimyento at nabahiran nang kagimbal-gimbal na pagdanak nang dugo ng mga kawawa't inosenteng biktima. Pawang itim at pula ang natira.
 
Haaaaaaaaaaahhhh...........sinong mag-aakalang 'yon na ang aking huling sandali sa mundong ito. Buhay na iningat-ingatan subalit walang habag na kinitil, winasak at higit sa lahat...sinayang. Malay ko bang iyon na iyon? Malay ko bang sa aking pamamalikmata'y 'di na pala ako muling didilat pa?
 
At ang mga yagit na katulad ko'y may mga pangarap at kinabukasan ay naglahong parang bula...wala na... Inanod at tinunaw ng kalunos-lunos na krimen. Pangarap na nagkapunit-punit at biglang nawala't sumabay na sa pag-agos nang bumabahang dugong dumikit at tumagos sa lupa tungo sa kailaliman nang daigdig. Wala na. Kinain na nang lupa.
Yaong mga walang swerteng empleyadong nagsipaktalsikan ang mga dugo't laman dulot ng bagsik ng karahasan? Hindi man lang naabot ang masarap na pasalubong sa kani-kanilang mahal. Si Ale...di na naubos ang isdang paninda...nadamay pa ang kaunting salaping pangmatrikula ni Nene... Nagunaw lahat. Maraming hindi nasabi't nagawa.
 
Sayang at naging napakaikli lamang nang aking buhay. Hindi ko akalaing huling sulyap ko na pala iyon kay Itay. Ang sabi ko'y maaga akong uuwi sa bahay ngunit ang hihintayin pala nila'y ang matigas at malamig kong bangkay. Hindi ko man lang naipakita ang pinagtiyagaang diploma ko kay Inay at medalyang dulot ng pagpupunyagi't tagumpay. Hindi ko man lang nasambit kung gaano ko sila kamahal at hindi ko man lang naranasang umibig at masaktan.
 
Kay saklap nang aking naging wakas. Ang pagsalubong ni kamatayan ay hindi ko inaasahan. Kamatayang pumutol sa pangarap ng isang musmos na katauhan. Kamatayang sadyang napakaterible at terorista daw ang may kasalanan. Pero ang pinakamasakit, kapwa Pilipino ko pa ang may kagagawan.
 
Paalam......................
   



 

1 comment:

  1. This is the precise weblog for anybody who needs to seek out out about this topic. You notice so much its almost arduous to argue with you. You positively put a brand new spin on a subject that's been written about for years. Nice stuff, simply nice!

    ReplyDelete