Sunday, November 7, 2010

Hindi Nila Alam: Confessions of a Newly Grad


Grade School:
            Hindi nila alam na pinagtatawanan ko ang sarili ko
                        Habang tumutula sa entablado.
                        Tutula-tula sa araw ng kalusugan kahit
ang payat-payat ko naman.
            Hindi alam ni Ms. Country noon, Mrs. Uchiha ngayon
                        Tinatawanan namin siya habang kinikilig siya
                        Sa kakahintay kay Mr. Uchiha.
            Hindi alam ni Mrs. PRINCIpio na habang nakatalikod siya
                        Witch ang tawag namin sa kanya.
            Hindi alam ng parents ko na nahubaran ko ng blouse ang kaklase ko
                        Habang nag-aaway kami at nagsasabunutan ng buhok.
            Hindi alam ng ate ko na inaarbor ko ang mga damit niya
                        Maaga akong uumuwi para di niya ako maabutan.

High School:
Hindi alam ni Mrs. Clear Shampoo na ako ang gumulo
sa mga libro ng mesa niya dahil sa paghahanap ko
sa libro kong nawawala.
            Hindi alam ni Mr. Guidance na nakikita siya ng kaklase ko na
                        nag-aaplay ng facial cream sa mukha, magkapitbahay kasi sila.
            Hindi alam ni Mr. Kalbo na ayaw namin sa kanya at sa subject niya
                        dahil wala kaming natututuhan sa kanya.
            Hindi alam ni Mr. Esmile na chubby ang tawag ng
                        mga classmate ko sa kanya.
            Hindi alam ng suitor ko dati na nababadingan ako sa kanya.
            Hindi rin alam nong isa na habang nanliligaw siya sa text, ate ko ang
katextmate niya.     
            Hindi alam ni Mrs. Fangs na habang pinagrereview niya kami ng Science
olympiad, nagkwe-kwentuhan kami ng kasama ko.
            Hindi alam ng mga kaklase ko na habang nagpo-prom….giniginaw ako.
            Hindi alam ng kuya ko na siya at ang gf niya ang madalas naming pag-
usapan ng kapatid ng gf niya.

College:
            Hindi alam ni Mr. M, na habang lumalabas siya ng klase, iniinuman ng
kaklase ko ang kanyang kape.
            Hindi alam ni Mr. Billy Joe na ginagaya ng kaklase ko ang paraan ng
pagtawa niya.
            Hindi alam ni Ms. Fan-Q na may something para sa kanya ang
boardmate ko.
            Hindi alam ng mga mentors sa OJT na ginagaya namin ang mga
expressions nila.
Hindi alam ng karamihan ng mga kaklase ko na napagalitan kami ng iilan
sa mga kaklase ko sa 1st year ng security guard sa fourth floor dahil sa paglalaro ng Pusil-Dunggab.
Hindi alam ni Mr. SumalPok na noong midterm exam namin, kanya-
kanyang tapon kami nang scratch paper na may math solutions.
            Hindi alam ni Mr. Night na habang nagsusulat siya sa white
board, nagpapanggap lang akong nagsusulat kasi hindi ko talaga
maklaro ang mga letra ng sinusulat niya.
Hindi alam ng parents ko na muntikan na akong malunod nang
nakatawa.
            Hindi alam ng dati kong boardmate na nilagnat ako kinabukasan
matapos sumamang mag-overnight sa kanya.
            Hindi alam ng dati kong land lady na maraming galit sa kanya dahil
dumadalaw lang siya pag maniningil na pero hindi man lang pinapalitan ang ilaw sa kwarto at C.R.
            Hindi alam ng kuya ko na crush siya dati ng classmate ko.
            Hindi alam ng boardmate ko na kamukha niya si Michael Jordan.
Dinengue nga lang kaya nangayayat.
            Hindi alam ng boardmate ko na kamukha niya si Mandy Moore.
            Hindi rin alam nong isa na kamukha niya si Lady Gaga.

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...