Wednesday, December 29, 2010

Kapag Mayaman, Pero Kung Mahirap


Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung bakit napaka-unfair nang buhay lalong lalo na pagdating sa estado nang buhay. Kunsabagay, nasa sariling pagsisikap lang naman iyan. Kung masipag ka, aasenso ka. Kapag tatamad-tamad, sa imburnal ka pupulutin. Pero talagang hindi maiiwasan ang sandamakmak na mga taong maalipusta sa kapwa lalo na kung mas nakalalamang ito nang estado sa buhay.

Kung tutuusin, pantay-pantay lang naman lahat nang tao. Mapera man o wala. Gwapo man o hindi. Pareho lang nagmula sa lupa. Parehong paraan lang din ginawa. Parehong may mata, ilong, bibig at mga nakakalitong internal organs. Pareho lang din nang kahihinatnan sa bandang huli pero ang nakakalito at nakakainis na minsan ay nakakatawa na rin ay kung paano tumakbo ang utak nang tao. Sa utak na nagiging magkaiba ang lahat. Dahil sa mga pumapasok sa utak, nagagawang ibahin nang mga tao ang mga bagay na kung tutuusin ay pareha lang din naman nang ibig sabihin lalong lalo pagdating sa pagkokompara sa mga estado nang duhay.

High school pa ako noon nang mapansin ko ang mga maaarteng sinasabi nang mga kaklase kung sosyalera na pinagtatawanan lang din nang mga grupo nang mga kaklase kong mga lalaking pasaway at magugulo. At ngayon babanggitin ko isa-isa ang mga bagay na ito. Bakit nga ba ganito? Ano ba ang pinagkaiba?

Kapag mayaman: “Wow… ang cute mo naman, chubby… so healthy..”
Pero kung mahirap: “Yuck…. Mukhang baboy…”
Kapag mayaman: “Hindi ako bobo, slow-learner lang…”
Pero kung mahirap: “Ano ba iyan, mahirap ka na nga, utak-dilis ka pa..”
Kapag mayaman: “Wow, paano mo napapanatiling fit and slim ang katawan mo?”
Pero kung mahirap: [sisigaw ang mga tambay] “Parating na ang bangkay….”
Kapag mayaman: “Nasa bahay si kuya, pinagpahinga ko, nagka-mild nervous breakdown kasi..”
Pero kung mahirap: “Itinali ko nang kadena si Ate. Nandoon sa bahay. Talagang nawalan na
nang turnilyo ang utak.. Baliw na..”

Ang totoo, marami pa iyan na. Ang tanong ko lang ay paano kaya napagmumukhang hindi masyadong masama at malala nang mga salitang mayamang ito ang mga bagay-bagay na pareha lang naman. Iba talaga ang nagagawa nang estado nang buhay.

1 comment: