Wednesday, January 19, 2011

Nothing Beats College


Photo Link

Who said college is just like clicking a mouse?
For sure, those who said it are those who just stay in their house.
They do not know how not cool college is.
It's like climbing a mountain with only a string on your waist.

Nothing beats college, that's how to make the story short..
That's how to summarize your hardbound thesis paper
Yeah..Right.. You made it because of your HARDBOUND DETERMINATION..

That is how to prove the equation a=b
Yeah..right... Just apply your super calculus blast
and a couple of derivations then you'll get the answer
you keep looking for, the great NOSEBLEED..

That's how to simulate your electronic circuit..
Sure.. Just connect the terminals here and there..
And then? You get CONNECTION ERROR..

That's how to calculate the boiling point of Sodium Hydrochloride..
Come on.. What's the use of your 991 MS Calculator or is it ES rather?
Answers are just some press away..
Is SYNTAX ERROR that difficult to write in your answer sheets?

That's how to describe your sophisticated classmates
who wear christmas tree outfits everyday and shimmy-shimmy
lip-glossed barbie make-ups.
Yeah.. Speak it out.. That's the synonym for SHINING, SHIMMERING, SPLENDID.

That's how to evaluate those guards in their fortress, the guard house..
Got no ID? Pimp up your smile.. Flick and then wave and seconds later,
SESAME OPEN..



Photo Link

And lastly, who said only actors know how to walk out of the show?
Professors know too..
That's because NOTHING BEATS COLLEGE..

Wednesday, January 12, 2011

Kuya Kim Atienza vs. Mama


Tadadaddaaa-tadada....Sa ulo nang mga nagbabagang balita...

Kabisado na ni mama ang oras kapag palabas na ang TV Patrol World. Sisigaw siya mula pa sa tindahan niya [ang kanyang fortress of solitude] na mga sampung metro ang layo mula sa bahay namin. "Tawagin niyo ako kapag magbabalita na nang panahon si Kuya Kim," isisigaw niya. Obsess si mama sa weather report. Kailangan alam niya kung may bagyo o wala. Maging malapit man sa amin o hindi. Kasi, nasa malalayong lugar ang mga kapatid ko. Sinisiguro niya na ligtas sa kalamidad ang mga lugar na tinitirhan nang mga kapatid ko. Minsan pinagti-tripan ko siya at sinasabi ko, "Ma, 'yong crush mo, magrereport na."

Anyway, hindi ko rin naman talaga maintindihan ang mga sinasabing ulat-panahon ni Kuya Kim dahil madalas hindi naman tumutugma sa panahon na sinasabi niya. Minsan, sinasabi niyang, magiging maulap sa lugar na ito sa Luzon, uulan nang bahagya sa mga bahaging ito nang Visayas at magiging maliwanag ang maaliwalas ang panahon sa Mindanao pero mabibilang lang nang kamay ko ang mga araw na tumugma ang inuulat niya. Ilang beses na niyang iniuulat na maaraw sa lugar namin pero iyong araw na iniulat niya iyon? Iyon din ang mismong araw na umulan at kumidlat nang malakas sa amin....[Unbelievable pero totoo..]

MAS MANINIWALA PA AKO KAY MAMA.

Fan nga ni Kuya Kim si Mama pero sa sariling opinion ko, mas magaling pang magbasa nang panahon si mama. Titingala lang siya sa langit, sa hilaga, sa timog, sa kanluran at silangan pagkatapos ay sasabihin na niya na, "uulan sa ano, ang init sa doon sa blah blah blah..." High school graduate nga lang siguro si mama pero see, ang galing niya dahil kinabukasan, maririnig na namin sa balita sa radyo na inulan nga doon sa mga lugar na binanggit niya.

Minsan, amaze na amaze ako sa kanya, tinanong ko siya kung paano niya nasasabi iyon. Nilecturan niya ako mula sa lesson about directions[east,west,south,north] hanggang sa kulay nang ulap hanggang sa positive and negative polls, electricity and magnetism ng kidlat. [PALAKPAKAN] Ang galing dahil lahat nang sinabi napag-aralan ko na sa eskwela at mas kapanipaniwala pa.

Hehe...no offense kay Kuya Kim dahil fan pa rin ako nang Matanglawin. Pero sa labanang ulat panahon, mama vs. Kuya Kim? Boto ako kay mama, feeling ko may sarili kaming PAG-ASA sa bahay.